kumplikadong complicated!!!

Current Mood:Esctatic emoticon Esctatic

Natatawa ko sa pagkakatranslate ni google sa isang entry ko sa wp blog ko. Laftrip as in! Nakakabuang. Taragis ang sakit sa panga at sa ngala-ngala. Buti na lang nasa sala ko kundi majojombag ako ng mga roomates ko sa sobrang tawa. Konti na lang puputok na ang lahat ng ugat sa jutaks ko. Nagpapasalamat ako dahil matindi ang kapit ng kaluluwa ko sa katawan ko. Ang dami ko na namang tawa! Kamusta naman, ala una ng madaling araw lumalaftrip akong mag-isa! Mungtanga kasi! rolling on the floor

Original post: …ang dami kong tawa! mwahahaha!

Google Translation is laftrip! rolling on the floor Fasten your seatbelts!

… Much to laugh! Mwahahaha!

Earlier while nagbabalahuraan the je-te-be-kimons wrote in a private thread too hulsam, while intensive, they drafted the Institute prepared for cooking things nagpapabuhay their blood and their muscles napapayanig napabigeyes i dun … I saw ! Napashutanginamels me!  Suddenly I killed my monitor and the excessive panic nagpalpitate my heart! Good thing bc the enemy lest he also squeal! Namasyal-masyal first for me in my timeline makasinghot of fresh air. The heat they discuss lewd expression.  Tremendous row and change its own interpretation of their world. I do not know what brought them because all seem to radiate kalokahan obscenities hidden in their soul. Green smoke that I nalalanghap air, I avoid kakabagan moment because I am too much air to enter the ngala-ngala I laugh too much that I released. Also because I’m afraid I might mapanaginipan the negro! Jusku you!

Per, neighbors nakiusyoso me thread on my timeline.  Akswali I know, just nanghimasok just me. Good heavens! turned out more hot events.  But here another heat.  Temper and like a wound inflicted on face of personalan. May-all!  Caps lock caps lock if the fight! They Pinagtulungan the one.  Objection. Timing is wrong when he, the owner with menstruation kidding! Sinabon of continuous sinabon than just plunge him there. Just like when one also help, he is malay yung mamasamain helping her! Poor child!

More talk sensibly said.  Not for piggery. Ouch again! Should organized?! Heck samples of talk sensibly?  No gaguhan?  Just like the stump?  Format-pormalan?  I Napanganga they said. I suddenly thought my sisters in the faith!  Just how are we? We have nothing but magbalahuraan, magtawanan and talk worthless?? We are creatures to any emoticon just understands that? We always have to blast the timeline?

Kineri not all I dropsy events so I sent word to my family! The fellow nabuhayan!  According kasabawan pinaulanan the thread of my neighbors without kamalay-Malay! Owners challenged the obnoxious! Papatulan if they tried. Umeksena without thought! Even the holy water / Agua / wowa dinamay them. Good thing they have in the bomber hinatak Moran!  The malupet we do ourself the nagbabanatan. If you have heart cake and little patience you box, you pahulsam and killjoy, surely destroyed you!  U.S. trends in the brakes so once napapakapit myself because I feel I have reason to flee. Hohoho!  Pinakialamanan Thread with thread! Ang saya lang! Just fun!  Just like the live! Correct trip! Imagine meets the three-way talk-then just paganun. It through the broom’s no clutter left.

We sometimes say that the shallowness of the happiness we have, as we are fools but since jan nakakalimot me in trouble, I nakakalimot hard adventure, there’s a reason I laugh. Life should not be too seriously sahugan need little little joke and sprinkle with kapilyahan, a pinch of kagagahan sauce, sprinkle a little dirt, discard the pikunan and suck the soup of friends … even less on ingredients, delicious guarantee that!

Ano daw? Neutral

Pinagsama-samang jejemon, tetemon at bekimon! equals joyomon bwakanangfeyg!!!

Source: Google Translate

invisibol

Current Mood:Sad emoticon Sad

May mga kaibigan ako, kilala lang ako kapag masaya ako… kinakausap lang ako kapag tumatawa ako. Pero kapag kailangan ko ng kausap para ishare ang problema ko, nawawala silang parang bula sa mundo ko. Nakakaloko. Hanggang biruan lang ba ang pagkakaibigan, sa kalungkutan walang pakialamanan? Akala ko sila ay kaibigan.

Natutuwa ako dun sa mga kakilala ko na hindi ako masyadong kinikibo, may sari-sariling mundo pero kapag naramdamang wala ako sa wisyo hahanapin agad ako. Nakapm, nakabuzz, idadayal ang numero ko ora mismo. SILA pala ang kaibigan ko. Di gaya ng akala kong kaibigan NAKAKALIMUTAN NA KILALA NYA AKO sa mga panahong ganito.

Ang taray!

Current Mood:Playful emoticon Playful

Mula ng lumipat kami ng bahay naisantabi ko ang pagkahumaling sa teleserye. Hindi ko kasi madig yung momay! Si Rubi naman hindi ko masyadong trip ang pula ng lipstick! Lagi na lang sa likod ng pick-up nagaganap ang kamuduhan nila ni Alejandro. Tapos biglang hihiga sila di na nakita sa camera yung ginagawa nila… ang daya! Sinundan pa ng Noah ni Papa Pee! Parang kuwan!!! Parang uhmmm basta di ko type! Walang appeal! Parang ewan! Kaya madalas pinagkakasya ko na lang ang sarili ko na manood ng mga pirated movies galing sa dropbox!  At pag naubos na ang palabas, nagpapauto na lang ako nang bonggang-bongga kay Jack. Hanggang sa nakita ko yung patalastas ng magkaribal. Convincing ang mga linyang binibitawan. Nacurious ang lola mo at nang mahanap ko ang mga nakaraang episodes hindi ko na hinintay sumikat pa ang araw kinabukasan! Marathon galore!!! Two weeks lang naman ang backlog ko. Akalain mo 10 episodes pinasadahan ko… eh weno naman sayo? Wala lang, gusto lang!!! Nakikibasa ka lang!

Naman facial expression pa lang ni Vera(Angel Aquino) palong-palo na ang eksena sasabayan pa ng taas ng kilay ni Greta pak! Malditang-maldita! Tinginan  pa lang parang may sampalan na. Akswali di ko trip si Bea at si Greta pero maganda kasi ang istorya at saka keribels naman ng mga lola ang mga karakter nila. At shoot sa banga ang mga porma.  Ang kikinis pa ng mukha nila! Mas ok nga sana yun kung si Claudine yung rumarampa pero ayun sa kapitbahay  umeksena… hayaan na don siya masaya sa kapuso niya! Isa pa sa nagustuhan ko dito yung karakter ni Enchong dee. Jologs kung jologs!Parang di naliligo.  Bagay sa kanya ang madungis. At ang mga banat niya kay gelay, infairness benta sa akin. Ang paneh!!! Hindi halatang may samting sa kanyang personality! (evilgrin) Naaaliw din ako sa plastikan ni Vera at Victoria! Ang Shala! Kay Derek naman ayun kailangang ng pag-aawayan kaya ayun mega display ng katawan.    Aw pang-ulam naman!!! Pero nakukulangan pa ako sa mga paghuhubad niya, konting laman pa sana. Haha!

Kaya kahit sobrang late na, hinihintay ko pero minsan naman  kapag alam kong di kakayanin ng powers ko ang magpuyat, kahit 48 years ang pagbuffer pinapanood ko na rin online. At dahil mejo masakit ang puso ko sa dami ng kolesterol na naipon mejo nakiliti ako sa mga kadramahan na mga pinagsasabi ng mga tauhan dito. Bahagyang nakarelate, at yung iba nagustuhan ko lang … parang magandang pambanat kapag gusto ko umeksena… Yung iba kabisado ko na! Eto sampol! Yala!

Nagmahal ka na ba? Ng taong makakapagpalimot sayo… sa tama sa mali. Yung taong matitiis mong malayo sayo kesa naman tuluyang mawala sa buhay mo. Yung nag-iisang tao na ipaglalaban mo kahit di ka na masakyan ng kahit sino. – Mercado(Derek)

Alam mo sa URCC, ang pakikipaglaban puno lagi ng dugo at mga sugat. Pero may laban pala na kahit walang dugo mas masakit, mas nakamamatay. Yung laban na walang nakakakita, walang nanonood. Pero yun ang laban na sinusuong ko araw-araw kapag nakikita kita. At kahit mamatay ako ng ilang milyong beses para sayo, masaya kong gagawin yun. Kasi Gelai, sa laban na yun nararamdaman ko na buhay ako. Buhay ako para sa pagmamahal. Ang baduy man pakinggan pero dun ako sa totoo lang. – Caloy(Enchong)

Mapapatawad mo ba ang sarili mo kung di ka man lamang sumubok lumaban. At papaanong magiging karapat-dapat ang isang pag-ibig sa taong di man lang marunong ipaglaban ang kanyang sarili. – Kapitbahay ni Mercado

Love is a liability. It makes you do the most stupid things. Punyetang pagmamahal ‘yan! -Victoria(Greta)

Iba ang pinanindigan sa minahal - Vera(Angel)

O diba ang drama! Pak!

weeeeeeeee!

People sent to Heaven are rewarded for their good deeds with a replica of their happiest memory.

-Supernatural(Season 5 Episode 16)


Yan ang paborito kong part ng episode ng supernatural sa Dark Side of the Moon. Di ko alam pero naiyak ako sa part na yan. Isa yan sa mga happiest memory ni Dean sa buhay niya. So emotional, so sweet at iba yung impact sa akin lalo na yung yakapan moments! Kanina pinanood ko naman, at gaya ng dati kahit makailang ulit ko nang inulit panoorin, tinatamaan pa rin ako. Pak! Parang gustong ipaluwa lahat ng emosyong tinatago ko. Ewan ko ba, parang ang perfect kasi ng eksena, yung place, yung fireworks, yung mga linya, yung mga ngiti, yung yakap, yung stare, yung glance, yung timing, yung pasok ng background music, yung facial expressions, yung lahat-lahat!

Isa sa malaking tanong sa buhay ko kung anong meron sa heaven. Ang dami kong ginawang drawing sa isip ko… Minsan isa siyang bahay na pwedeng silungan kapag maulan…. isang bahay na pwedeng uwian pagkatapos nang napakahabang biyahe. Minsan para sa akin isa siyang hardin kung saan hindi ako makakaramdam ng pagod kahit maghapon magdamag akong sumayaw-sayaw at magkakanta. Minsan isang kaharian na isa ako sa mga prinsesa. Pero itong episode na ito ang nagbigay sa akin ng pinakamagandang larawan kung anong pwedeng makita sa lugar na yun. Sabi ni Sam Heaven is a place where you relive your greatest hits.” I love the idea pero napaisip din ako. Tuwing magbubukas ba ako ng pinto don mapupunta ako sa ibang happy moments ko? Paano kung konti lang happy moments ko? Ano yun paulit-ulit lang magpeplay yung mga ganung eksena sa kanto? Hindi kaya ako magsawa, mapagod o maloka?

Nagmuni-muni tuloy ako… Ano nga ba ang mga trophy moments ko. Napangisi ako sa naisip ko. Whew! (insert malisyosa laugh here) smug

Nag-iinit ako…

Ang tindi ng sikat ng araw kung pwedeng di lumabas ng bahay di talaga ako lalabas. Kaso kailangan ko pumasok. Pag labas ko pa lang ng pintuan namin pinapawisan na ako. Para akong sinasalang sa microwave. Sobrang init!!! Pinipindot-pindot ko ang laman ko pakiramdam ko kasi lumambot na ako. Anak ng kulugong ligaw konti na lang pwede na akong isigang!!!

“Mama ko”



Meron akong ate. Maya’t maya chine-check ko ang updates sa blog nya. Bale ano kase… Sya ang kauna-unahan kong ate dito sa blogworld. Nagkakasagutan sa comments section, nagkakabolahan, at iba pa!
Di nagtagal, naging chatmate kami ng ate kong to. Madalas tawanan kami. Namumutawi ng rolling on the floor ang YM conversation archives namin. Kwentuhan, blah blah blah.
Di nagtagal, (na naman) Ang dati kong ate… nag evolve na into machamp. Joke. Nagevolve na into… Mama. Di ko na sya ate. Mama na. Di ko nga alam anong pumasok sa utak nitong ate ko at sinabihan akong…
“Pwede ba… mama na lang itawag mo saken?”

“Opo ate. hahaha opo mama.”

Medyo matagal din bago ko nasanay na tawagin syang mama, at tawag naman nya sakin – nak.

May mga oras na talagang inaabangan ko sya mag-online, lalo na kapag stressed ako sa work o walang makausap. Basta pag nag-oonline si mama ko…
“MAMA”
Hug Left Hug Right (hugs)

Kiss

Yan kagad ang PM ko sa kanya. Pag walang sumasagot…
“MAMA!!!!!!!!!!!!”

“MAMA!!!!!!!!!!!!!!”

o kaya naman…
no talking
Ayon… Si mama ko ang madalas kong kausap lalo na pag nandito ako sa opis. Pag kausap ko sya, nakakalimot kami sa mga problema namin. Ang dami naming tawa. Di kami nauubusan ng mapapag-usapan. Tapos magkukulitan. Tapos pareho kaming mababadtrip sa daga at bear sa frontilleville. Tapos maghihingian ng gifts mula treasure isle hanggang frontierville. Tapos ang dami naming account sa fb. Tapos, pinatay kami ng wolf sa game ni ax. Tapos.. tapos… ano pa ba. Basta marami pa.
Tapos, nahuli ako ng boss ko. Bakit daw ako tumatawa. Si mama kase. Natawa ko sa pagkembot nya na parang walang bukas. Tapos. Pinanood nya pa spice girl video ko. Sumasayaw ako don para sa school project. Hiyang-hiya ako. Pero nakakatawa kasi talaga. Tapos, yung I’m Yours ko na video, pinapanood nya sa mga kaboardmates ya. Sabi nya naka headset daw sya. Pero naka loud speaker pala. Hiya me much. Hahahaha.
Naalala ko pa one time, nagpapaalam sya na di makakaonline sa mahabang panahon. Lam nyo ba naiyak ako non?
Ayon. Tapos, iniscan nya yung kayamanan nya sa wallet nya at inemail nya saken. Ay sekret lang pala yon.
Tapos, nung nagbirthday ako..
“NAK happy birthday! 13 ka na.”
P.S. Mama Joyo, kita mo drawing ko oh! Tayo yan. Hawak mo ko. Tapos ganyan din itsura ko at itsura mo sa totoong buhay. Haha!

Labis na nagmamahal, ang anak mong hamster – Jason

Blog ko ba to?

May-ari ng blog na ito: buti nandiyan ka na. Kahapon pa kita hina-hunting

Busyok: Bakit naman? *isip*

May-ari ng blog na ito: wala lang. Iimbitahin lang kita para mag-guest blogger sa blog ko.

Busyok: okay ka lang? Kung ako nga di makapag-update ng sarili kong blog e tapos pagususlatin mo pa ako sa blog mo?

May-ari ng blog na ito: ??! * diko matandaan ‘yong ibang sinabi nya* malapit na kase ako ihawin kaya naman achuchu…chu..chu.chu.chuva chuva.

Busyok: Ah ganun ba. Sige na payag na ako. Pero ano naman kaya ang isusulat ko? *isip* pwede kaya ito nalang?

May-ari ng blog na ito: Anong ito?

Busyok: eto o basahin mo.

May-ari ng blog na ito: asan?

Busyok: eto nga, basahin mo.

May-ari ng blog na ito: Asan nga? *kunot noo*

Busyok: scroll down mo para makita mo!

Noong nakaraang buwan ay may nakilala akong isang bata. Isang batang magalang, palakaibigan at napakabait. Sa katunayan, lagi siyang tumutulong sa kanyang ina sa iba’t ibang gawain tulad ng pagbobomba ng poso, pag-iigib ng tubig, pagsasampay ng mga nilabhang damit at pagtutupi ng mga ito.

Simpleng bata lamang si Joey. Hindi siya sikat. Hindi siya anak ng pulitiko. Hindi siya superhero. Hindi siya artista at lalong hindi bida sa isang teleserye. Wala rin siyang facebook account at lalong walang fansclub.

May-ari ng blog na ito: Wait lang…

Busyok: O, bakit?

May-ari ng blog na ito: wait nga lang. Ayusin ko ko lang ‘tong bangs ko. Puma-fly-away eh. *pause* Ready na uli. Go!

Bagaman noong nakaraang buwan ko lamang nakilala si Joey, palagay ko hindi ko na siya makakalimutan ng basta-basta. Sa loob ng mahigit isang buwan kase ay napalagay na ang loob ko sa kanya. Bahagi na ng buhay at kasaysayan ko ang batang ito– bahagi ko bilang ako…bahagi ko bilang isang tao at bahagi ko bilang isang alagad ng sining (feeling artist ako eh).

Masasabi ko rin na may pagkakapareho ang buhay namin ni Joey. Pareho kaming mula sa simple at payak na anyo ng buhay ngunit likas ang pagiging positibo sa buhay at naniniwalang kaya naming iguhit at buuin ang isang pangarap.

Gabi-gabi, sa halos mahigit isang buwan ay nakasama ko si Joey. Sa katunayan, kahit nasa trabaho ako ay iniisip ko siya. Pagsapit ng ika-lima ng hapon ay nagmamadali na akong umuwi ng bahay dahil sabik na muli akong maging bahagi ng kwento ng buhay niya.

May-ari ng blog na ito: Ang drama naman nyan….

Busyok: [pause]

May-ari ng blog na ito: O, bakit ka huminto?

Busyok: Penge nga muna ng bente dyan.

May-ari ng blog na ito: Bakit?

Busyok: Bibili lang ako ng kausap mo!

May-ari ng blog na ito: Adik! Tuloy mo na kase.

Pagdating ng bahay tuwing hapon, mamamahinga lang muna ako ng kaunti, kakain ng hapunan at pagkatapos nun ay agad-agad ko nang pupuntahan si Joey. May mga pagkakataong pagod ako pero pinaglalabanan ko yun’. Kailangan kase ako ni Joey, kailangan niya ako para maiguhit ang kwento niya.

May idea naba kayo kung sino si Joey? Si Joey ay isang karakter sa kwentong pambata na may pamagat na “Ang Kamisetang Dilaw”. Naging bahagi ako ng kwentong ito dahil sa ako ang kinuha nila para gumuhit sa mga pahina nito (salamat at pinagkatiwalaan nila ang kakayahan ng isang busyok J) . Ito ang kauna-unahang librong pambata na iginuhit ko kaya naman excited ako. Bagaman medyo naninibago (dahil ngayon lang ako gumuhit para sa librong pambata), nag-enjoy rin ako sa project kong ito dahil pakiramdam ko bumabalik ako sa pagiging bata sa tuwing iguguhit ko ang mukha ni Joey na puno ng saya at pag-asa.

May-ari ng blog na ito: Ang haba naman nyan!

Busyok: wag kang magulo. Eto na malapit na.

May-ari ng blog na ito: alin ang malapit?

Busyok:malapit na akong mainis sa ‘yo!

May-ari ng blog na ito: *lisik mata, talim kilay*

Sa totoo lang, mula pagkabata mahilig na ako sa libro. Pero ang pagkahilig ko sa libro ay hindi para basahin kundi para panoorin ang mga larawan o drowing nito. Hangang-hanga ako sa mga nag-do-drowing sa libro. Sa katunayan, masnauna akong natutong magdrowing kesa magbasa. Mas gusto ko kaseng kopyahin ang drowing ng mga libro ko noong bata ako kesa basahin ang mga nakasulat dito. Sa ginagawa kong iyon, siguro hindi ko namamalayan (noon) na nangangarap akong balang araw ay makaguhit din sa isang libro. Salamat na lamang at may mga taong nagtiwala sa akin para maisakatuparan ang pangarap na iyon. Salamat kay ‘kapatid’ (isang kaibigang blogger na ‘gang ngayon ay ‘diko pa alam ang tunay na pangalan –hehe- siya ang nag-refer sa akin sa publishing company na iyon sa QC). Salamat sa mga taga-VPHI (ayaw kong banggitin ang buong pangalan kase di ako nakapag-paalam sa kanila, sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon para maging bahagi ng librong ito). Salamat sa laptop ko (sa magandang performance na ipinakita nya J walang na-corrupt na files (NAKU PO, kung nagkataon…at hindi nag-hang), salamat sa photoshop, sa illustrator at sa coreldraw na ginamit ko para maiguhit ang bawat larawan at higit sa lahat, salamat sa aking “MASTER” na Siyang nagbigay sa akin ng talento at nag-ayos ng mga bagay-bagay para maging bahagi ako ng proyektong ito.

iba’t ibang galaw ni joey

-Busyok